Sunday, May 5, 2024

MRT-3 nakaranas ng electrical failure

- Advertisement -

Nasa 450 mga pasahero ng Metro Rail Transit-Line 3 (MRT-3) ang pinababa sa southbound ng Cubao Station –mag-aalas-6 kaninang umaga.

Batay sa ulat ng pamunuan ng MRT-3, nakaranas ng electrical failure ang motor sa isa sa mga bagon ng tren bunsod naman ng nasirang electrical subcomponents.

Paliwanag ng pamunuan ng MRT-3, luma na ang mga wirings sa apektadong bagon kaya nasunog ang linya ng kuryente nito.

Agad namang naisakay sa kasunod na tren ang mga pinababang pasahero matapos ang 15-minuto.

Kasunod nito, humingi ng paumanhin at pang-unawa ang MRT-3 sa kanilang mga mananakay matapos magresulta ang insidente sa paghaba ng pila sa bahagi ng North Avenue, Quezon Avenue at Cubao Station. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img