Friday, May 17, 2024

Mga nais tumestigo laban sa mga tiwali mistulang binubura —Gordon

- Advertisement -

Mistulang binubura ng mga tiwali ang lahat ng mga nagnanais na tumestigo sa kanila.

Ito ang binigyang diin ni Senador Richard Gordon matapos na masawi ni Bureau of Corrections legal division chief Atty. Frederick Santos, kahapon, ika-19 ng Pebrero.

Ayon kay Gordon, si Santos ay ika-15 BuCor officials na pinatay mula noong 2011.

Aniya, dapat na maalarma na ang pamahalaan hinggil sa naturang pangyayari lalo na’t isa si Santos sa mga sa mga humarap sa pagdinig ng Senado hinggil sa kuwestiyunableng implementasyon ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) law.

Sinabi ni Gordon, dapat na seryosohin ni Pangulong Rodrigo Duterte at ni Justice secretary Menardo Guevarra ang naturang insidente dahil tiyak na may kaugnayan ito sa GCTA.

Matatandaang si Santos ay tumestigo sa ikinasang pagdinig ng senate blue ribbon committee hinggil sa kontrobersiya sa GCTA.

Nag-ugat ang isyu matapos na mabunyag ang muntik sanang paglaya ni dating Calauan mayor at convicted rapist at murderer na si Antonio Sanchez sa ilalim ng GCTA law.

Sa isang pahayag, sinabi noon ni Santos na batid ng noo’y BuCor director na si Nicanor Faeldon na kailangan munang aprubahan ng           Department of Justice (DOJ) ang anumang paglaya ng mga convicts na senentensiyahan ng reclusion perpetua ngunit lumabas na pirmado lamang ni Faeldon ang release paper ni Sanchez.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -