Sunday, May 5, 2024

Mga kandidato pinaalalahanang baklasin na ang illegal campaign posters

- Advertisement -

Binibigyan na lamang ng Commission on Elections (Comelec) ang mga kandidato ng hanggang Biyernes para baklasin ang kanilang mga election propaganda na nasa bawal na lugar at hindi tama ang mga sukat.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, sa Biyernes matatapos ang grace period na kanilang ibinigay sa mga kandidato.

Kung mabibigo aniya ang mga kandidato na alisin ang mga ipinagbabawal nilang campaign posters, sinabi ni Jimenez na kanila itong ido-dokumento na susundan ng legal na proseso.

Kasabay nito, hinimok ni Jimenez na isumbong sa pamamagitan ng social media ang mga makikitang mga iligal na campaign posters.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img