Sunday, May 5, 2024

Mga jeepney drivers na matinding naapektuhan ng ECQ sa Luzon wala pang natatanggap na tulong sa pamahalaan

- Advertisement -

Wala pang natatanggap na ayuda mula sa pamahalaan ang mga jeepney drivers na lubhang apektado ng umiiral na enhanced community quarantine sa Luzon.

Ito mismo ang kinumpirma ni Zenaida Maranan, pangulo ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP).

Ayon kay Maranan, tanging ayuda lamang mula sa local government units (LGU) ang natatanggap ng mga tsuper ng dyip, kung saan nakatanggap na ng relief goods ang ilan sa kanilang mga miyembro.

Dahil, umapela na si Maranan sa Dept. of Social Welfare and Development (DSWD) na direkta nang ipamahagi sa mga jeepney drivers ang ayudang inilaan ng gobyerno.

Matatandaang sa ilalim ng umiiral na ECQ sa Luzon, suspendido ang biyahe ng lahat ng pampublikong sasakyan upang maayos na maipatupad ang social distancing nang hindi na kumalat pa ang coronavirus disease 2019 (COVID-19).

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img