Monday, May 6, 2024

Lalaki patay sa atake sa puso habang nanonood ng Pacquiao –Thurman Fight

- Advertisement -

Patay ang isang lalaki matapos atakehin sa puso sa kasagsagan ng bakbakang Pacquiao-Thurman sa Marikina City

Kinilala ng Marikina City Police Office ang biktima na si Salvador Abay, 68 taong gulang na residente ng Brgy. Malanday

Nangyari ang insidente sa Manotoc Covered Court sa Barangay Sto.Niño sa nasabing lungsod kung saan may ikinasang Live Pay Per View ng nasabing laban

Ayon sa mga nakasaksi, bigla na lamang bumulagta sa kaniyang kinauupuan si Abay na siyang dahilan kaya’t agad tumawag ang mga naruruon sa Rescue 161

Bagama’t nagawa pang dalhin sa Amang Rodriguez Hospital si Abay, hindi na rin ito umabot pa at ikindeklarang Dead on Arrival

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img