150 Kabahayan naabo sa sunog sa Cebu

0
45

Aabot sa 150 kabahayan ang naabo sa isang sunog na sumiklab sa Sitio Tacan, Brgy. Ibo sa Lapu-Lapu City, lalawigan ng Cebu

Batay sa pagtaya ng Bureau Of Fire Protection, aabot sa apatnaraang libong pisong halaga ng napinsalang mga ari-arian

Tumagal ng ilang oras ang nasabing sunog na umabot pa hanggang sa Task Force Bravo ang Alarma

Samantala, hinuli naman ng mga awtoridad ang isang babae dahil sa pamamato sa mga pamatay sunog

Batay sa imbestigasyon, nais umano ng babae na unahin ng mga bumberong apulahin ang sunog sa kanilang bahay

Samantala, kasalukuyang nasa Ibo Elementary School ang mga apektadong pamilya na nagsilikas dahil sa sunog