Friday, May 3, 2024

Iriga: Rice at Corn Production sa Bicol, Tumaas noong 2021

- Advertisement -

Iriga City – Nakapagrehistro ang rehiyon ng pagtaas sa produksyon ng mais at palay noong nakaraang taon, ayon sa Department of Agriculture o D.A-Bicol.

Visit RPN DZKI Iriga

Base sa datus ng PSA, umabot sa mahigit 1.3 million metric tons ang palay output ng rehiyon noong 2021 na mas mataas ng 4.01% kumpara sa mahigit 1.2 million metric tons na na-produce noong 2020.

Habang umabot naman mahigit 290,000 metric tons ang corn output noong nakaraang taon o katumbas ng 3.81% na pagtaas.

Ang probinsya ng Camarines Norte ang nagtala ng pinakamalaking pagtaas sa 7.17% na sinundan ng Camarines Sur na mayroong 5.04% increase; Sorsogon na may 3.97%; 3.95% sa Albay; Masbate na mayroon lamang 0.50% increase habang naitala naman ang pagbaba sa produksyon sa islang probinsya ng Catanduanes sa -13.48%.

Gayunpaman, inihayag ni DA-Bicol Regional Executive Director Rodel Tornilla na ang palay output noong nakaraang taon ay ang ‘second all-time high’ sa rehiyon simula pa 2011.

Aniya, dahilan ng magandang performance ng mga nasa rice at corn sector sa rehiyon ay ang likas na pagiging masipag at ‘resilient’ ng mga magsasakang Bicolano at sa tulong na rin ng mga industry players gayundin ng napapanahong tulong at interventions, partikular na para sa mga clustered areas.

Sa kasalukuyan din umano, tuloy tuloy ang distribusyon ng fertilizer discount vouchers at mga corn seeds sa mga kwalipikadong benepisyaryo sa ilalim ng Rice at Corn Program ng ahensya.

(Source: DA Bicol | BNFM Bicol)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img