Wednesday, May 29, 2024

Iriga: “Poor” sa Bicol region, umabot na sa 500k – DSWD

- Advertisement -

Iriga City – Umabot na sa mahigit 500K ang identipikado at napasama sa List of Poor sa buong Bicol region base sa inisyal na listahan ng Department of Social Welfare and Development o DSWD Regional Office 5.

Visit RPN DZKI Iriga

Sa panayam kay Joy Bellen III, Project Development Officer IV ng nasabing ahensya, sa 1.1 million na napasama sa unang assessment ng kanilang listahanan, mahigit sa 500K na ang identipikadong poor o naghihirap.

Ayon dito, Camarines Sur ang nananatiling may mataas na bilang dahil ito ang may pinakamalaking coverage.

Mas dumami rin ayon kay Bellen ang nakasama sa listahan ng kasalukuyang assessment.

Kung ikukumpara kasi sa nakalipas na datus ng DSWD, mayroon lamang na mahigit sa 800K na pamilya ang naisama ng ahensya.

Inaasahan naman nito na may mga pagbabago pa sa bilang. Maari pa itong bumaba o tumaas dipende sa magiging pinal na assessment ng ahensya.

(Source: Bicol News & Updates)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -