Monday, June 24, 2024

Iriga: P2M Pondo Para Sa Palayukan, Aprubado Na Ng DOST

- Advertisement -

Aabot sa ₱ 2M ang pondo na inaprubahan ng Department of Science and Technology (DOST) Bicol para sa pagsasanay sa ‘Improved Pottery Making’ sa bayan ng Gubat Sorsogon.

Visit RPN DZKI Iriga

Sa pahayag ni Gubat Municipal Agriculturist Yolly Partiarca, sinabi nito na ang naturang proyekto sa ilalim ng Community Empowered Through Science and Technology (CEST) ay inilapit mismo ng kanilang opisina sa DOST.

Ayon kay Patriarca, pangunahing resipyente ng proyekto ang mga pottery makers sa Brgy. Paradijon Gubat, kung saan higit 20 indibdiwal ang mabibigyan ng tulong pangkabuhayan sa nasabing proyekto.

Samantala, bukod sa tulong pangkabuhayan maisusulong rin ng proyekto ang turismo sa nasabing bayan sa pamamagitan ng mga produktong lokal katulad ng palayukan.

(Source: Bicol News Facebook page, photo courtesy of Paradijon Pottery Facebook page)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -