29.5 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Iriga: Ilang mga municipal police stations sa Camarines Sur nakikipag ugnayan na rin na sa Phil. Army para sa segurirad sa darating na halalan

- Advertisement -

Naga City – Nagrerequest na ngayon ng dagdag na puwersa ng mga sundalo ang ilang mga Municipal Police Stations ng Camarines Sur para sa seguridad sa mangyayaring halalan ngayong Mayo.

Visit RPN DZKI Iriga

Ito ay ayon kay PMaj. Chester Pomar, Acting Chief of Police ng Goa Municipal Police Station kaugnay sa paghahanda na rin nila sa paparating na eleksyon.

Sa panayam sinabi nito na malawak ang area of responsibility nila dahil sa may 34 barangay ang bayan ng Goa at may mga lugar na mahirap ng maabot ng mga pulis.

May mga force multipliers naman silang kaagapay tulad ng mga barangay opisyal at barangay tanod .

May kampo naman ng CAA o ng CAFGU na kaagapay nila sa pagmanteni sa kaligtasan ng mga nakatira sa upper barangay, subalit kailangan parin nila ng dagdag na mga sundalo, sa kabila ng inaasahan din nilang dagdag ding bilang ng mga pulis na ibibigay sa kanilang himpilan.

Kumpiyansa siyang mapapaunlakan ng 9th Infantry Division Phil Army ang kanilang kahilingang ito.

(Source: Bicol News)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -