28.8 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Iriga: Face-to-Face Classes sa City College of Naga posibleng mangyari sa susunod pang taon

- Advertisement -

Iriga City – May inilaang apat na milyong piso para sa pagpaayos ng building ng City College of Naga, pampublikong kolehiyo na pinapatakbo ng LGU-Naga matapos na gawin itong pansamantalang quarantine facility sa kasagsagan ng Coronavirus Disease.

Visit RPN DZKI Iriga

Kailangan munang ayusin ang building para maging classrooms na ng mga estudyante para sa proposal na face-to-face classes ng CCN.

Isa ito sa requirements na hinihingi ng Commission on Higher Education bago pa aprubahan.

Ito ang naging laman ng mga pahayag ni CCN School President Magno Conag Jr. sa kanyang pagharap sa konseho sa regular session.

Ayon kay Conag, may ilang subject sa midwifery course na kailangan ang face-to-face tulad ng sa mga laboratory activities ng mga ito na hindi puwedeng i-online lamang.

Kung magtutuloy-tuloy ang gagawing retrofitting sa school building, baka sa susunod pang taon sila magkaroon ng regular na face-to-face sa kanilang mga estudyante.

(Source: Bicol News, photos courtesy of Naga City Government)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -