25.3 C
Manila
Tuesday, February 27, 2024

Iriga: Active Cases Ng Covid-19 Sa Bicol Mas Bumaba Pa Dahil Sa Mataas Na Recoveries

- Advertisement -

Bicol – Mas bumaba pa ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Bicol region dahil sa mataas na bagong recoveries na naitala.

Visit RPN DZKI Iriga

Mula sa mahigit 13% kahapon, ngayon ay nasa 12.73% o 5,896 na lamang ito sa kabuuang 46,320 cumulative cases ng sakit.

Sa pinakahuling ulat, umabot sa 257 ang nga bagong gumaling kung saan 188 nito ay mula sa Legazpi City, 25 sa Naga City, 23 sa Catanduanes, 18 sa Sorsogon at tatlo sa Camarines Norte kung kaya pumalo na sa 38,790 (83.74%) ang total recoveries.

Samantala, 83 ang mga bagong kasong nadagdag kung saan 27 ang naitala sa Catanduanes. Siyam nito ay mula sa Virac, apat sa Panganiban, tigtatatlo ang Pandan, San Andres at Viga, tigdalawa ang Baras at San Miguel at isa sa Bato.

24 ang bagong kaso sa Albay kung saan 12 ang naitala sa Legazpi City, lima sa Daraga, tigdalawa ang Libon at Sto. Domingo at tig-iisa ang Camalig, Guinobatan at Jovellar. 24 din ang bagong kaso sa Camarines Sur kung saan pito ang naitala sa Naga City, lima sa Bombon, tigdadalawa ang Pili, San Jose at Tigaon at tig-iisa ang Buhi, Bulan, Milaor, Nabua, Ocampo at Tinambac.

Anim ang bagong kaso sa Sorsogon kung saan dalawa ang mula sa Irosin at tig-iisa ang Bulan, Matnog, Sorsogon City at Sta. Magdalena.

Ang Camarines Norte ay may dalawang bagong kaso na mula sa Paracale at Vinzons habang zero new case ang islang lalawigan ng Masbate.

Nadagdagan naman ng walo ang mga nasawi kung saan apat ang mula sa Legazpi City, dalawa sa Camarines Sur at tig-isa ang Catanduanes at Sorsogon kung kaya pumalo na sa 1634 ang death toll ng sakit sa rehiyon.

Kaugnay nito ay patuloy ang paalala ng DOH Bicol sa mga Bicolano na sundin ang BIDA Solusyon plus sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.

(Source: Bicol News Facebook page)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -