Sunday, June 23, 2024

Iriga: 70% passenger capacity ng bus Bicol-Manila at vice versa pinayagan na

- Advertisement -

Iriga City – Hindi pa man naging fully operational ang buses ngayong kapaskuhan tulad ng ihinihirit ng Nagkakaisang Samahan ng Nangangasiwa ng Panlalawigang Bus nadagdagan na ang passengers capacity.

Visit RPN DZKI Iriga

Ito ang kinumpirma ni Bicol Central Station Manager Nonoy Reforsado makaraang ilabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang Memorandum Circular 076 na nagtatakda ng guidelines sa 70% capacity ng mga public utility vehicles.

Pinagbasehan ng Interagency Task Force ang vaccination performance kung saan 30% ang hinihingi as of Dec. 1 , subalit umabot sa 58% ang performance sa Bicol ayon kay Reforsado, lalo na aniya ang Naga na umabot sa 86%.

Epektibo ito hanggang Enero 4, 2022 at point-to-point pa rin ang sistema.

Sa mga fully vaccinated, card lamang at ID habang sa partially vaccinated COVID test result parin at ID.

(Source: Bicol News)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -