Tuesday, May 7, 2024

Heath, safety protocols sa mga magbabalik-probinsya dapat mas paigtingin —Go

- Advertisement -

Dapat na mas paigtingin pa ng mga kaukulang ahensiya ng gobyerno ang health at safety protocols sa pagbiyahe patungong mga probinsya.

Ito ang iginiit ni Senador Christopher “Bong” Go kung saan sinabi nito na dapat maprotektahan ang mga lugar at probinsya na itinuturing ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) free.

Aniya, bagamat mas maluwag na quarantine protocols na lamang ang pina-iiral sa malaking bahagi ng bansa ay hindi naman dapat maging kampante sa pagbiyahe papasok sa mga probinsya.

Inihalimbawa dito ni Go ang Mindanao na may mababa aniyang kaso ng COVID-19.

Aniya, aminado siya na mahirap macontain ang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila, ngunit dapat pa ring subukan ng pamahalaan na huwag na itong kumalat pa sa mga lalawigan.

Dagdag pa nito, dapat ding ipatupad ang mahigpit na protocols para sa mga locally stranded individuals (LSIs).

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img