Aksidente dahil sa mga concrete barriers sa EDSA sumampa na sa 31 ngayong Hunyo

0
14

Sumampa na sa 31 aksidente ang naitala ngayong buwan dahil sa mga concrete barriers na inilagay sa EDSA.

Ayon sa datos na inilabas ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), 31 aksidenteng may kaugnayan sa mga concrete barriers na inilagay sa EDSA, upang paghiwalayin ang bus lane at lane ng mga pribadong sasakyan, ang naitala ngayong Hunyo.

Sakabila nito, nanindigan si MMDA spokesperson assistant secretary Celine Pialago na walang balak ang MMDA na palitan na lamang ito ng mga plastic na harang.

Ayon kay Pialago, posibleng hindi lamang napapansin ng mga driver ang mga barrier dahil sa bilis ng kanilang pagmamaneho.

Dagdag pa nito, hindi dapat isisi sa mga concrete barriers ang mga aksidente dahil reflectorized naman aniya ang mga ito.