29.5 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Tennis player Novak Djokovic nagpositibo sa COVID-19

- Advertisement -

Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang World No. 1 tennis player na si Novak Djokovic.

Si Djokovic ang pinakahuling tennis player na nahawaan ng naturang virus kasunod nina Borna Coric, Grigor Dimitrov at Viktor Troiki.

Magugunita namang dahil nagpositibo ang mga nabanggit na player ay tuluyan nang kinansela ang tennis match na inorganisa ni Djokovic.

Samantala, tinawag namang isang aral ni Great Britain tennis star Andy Murray ang pangyayari nang magpositibo sa virus ang ilang mga manlalaro matapos na magkasa ng torneo sa kabila ng banta ng COVID-19.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -