Friday, May 17, 2024

Hatol na ‘Guilty’ sa 8 PCG personnel na sangkot sa Balintang Channel incident planong i-apela ng PCG

- Advertisement -

Planong i-apela ng Philippine Coast Guard (PCG) ang naging hatol sa walong (8) tauhan ng ahensya na sangkot sa Balintang Channel incident.

Ayon kay Atty. Rodrigo Moreno, abogado ng mga akusadong PCG personnel, kanilang i-aakyat sa Court of Appeals ang desisyon ng Manila RTC branch 15.

Hihilingin din nila ang pansamantalang kalayaan ng mga nahatulan.

Giit pa ni Moreno, hindi dapat kalimutan ng publiko na ginampanan lamang ng mga tauhan ng PCG ang kanilang trabaho na protektahan ang teritoryo ng bansa laban sa mga mapagsamantalang dayuhan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -