Monday, May 13, 2024

Mistulang pag amin ni Duterte hinggil sa pag-ambush kay Loot mali lang ang pagkakasabi —Panelo

- Advertisement -

Dinipensahan ng Malacañang ang mistulang pag-amin ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipinag-utos niya ang pananambang kay dating Daanbantayan Cebu Mayor Vicente Loot.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, mali lamang ang pagkaka-sabi ng pangulo sa wikang Filipino.

Aniya, dapat isa-alang-alang ng publiko na bisaya ang pangulo, kaya’t hindi ito bihasa sa wikang pilipino.

Alam mo, sabi nya (Pangulong Duterte) nga kanina…”eh sila naman, palagi ko nang sinasabi yan. Alam naman nila na eversince nagbibiro ako tungkol dyan. Kung minsan iba ang nasasabi ko, pero yun yon.” Kung minsan ang nasasabi nya sa Filipino (wika), iba ang dating,” —Presidential Spokesman Salvador Panelo

Matatandaang taong 2018 nang maganap ang pananambang kung saan maswerteng nakaligtas si Loot habang nasugatan naman ang dalawa nitong driver at isang kasambahay.

Gayunman, umaasa naman ang asawa ni Loot na si ginang Maria Luisa Loot na walang kinalaman si Pangulong Duterte sa naturang pananambang.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -