Tuesday, May 7, 2024

Gobyerno dapat itigil muna ang pag-aangkat ng karneng manok —UBRA

- Advertisement -

Dapat na itigil muna ng pamahalaan ang pag-aangkat ng karneng manok dahil sa mababang demand nito sa bansa.

Ayon kay United Broilers Raisers’ Association (UBRA) Chairman Gregorio San Diego, dapat na ihinto muna ng gobyerno ang importasyon ng manok dahil apektado ang demand nito simula nang unang ipatupad ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon noong Marso 17.

Aniya, nahihirapan na sila dahil lumiit ang demand para sa karneng manok dahil ang mga sektor na kumokonsumo ng malaking suplay nito kagaya ng hotels, restaurants at fast food chains ay mga sarado sa ngayon.

Sinabi ni San Diego, sa europa ay ipinatigil muna ang importasyon ng manok upang matulungan ang lokal na suplay nito.

Matatandaang una nang sinabi ng Department of Agriculture (DA) na posibleng sa ika-apat na quarter pa ng taon makarekober ang mga sektro pang-agrikultura na apektado ng ECQ.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img