29.8 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Simabahang Katolika umaapela na payagan ang religious activities sa mga lugar nasa GCQ

- Advertisement -

Nais ng Simabahang Katolika na mas damihan pa ang misa para maiwasan ang pag-dagsa ng mga mananampalatayang katoliko sa oras na payagan nang muli ang mga religious activities.

Ayon kay Bishop Broderick Pabillo, ang Apostollic Administrator ng Manila, umaapela ang simbahang katolika sa gobyerno na payagan na ang mga religious activities sa mga lugar na nakasailalim sa general community quarantine (GCQ).

Aniya, kailangan ito para mapanatag ang mental health pati na ang spiritual resilience ng mga tao.

Sinabi ni Pabillo, kabilang kasi dapat sa mga itinuturing na “essential” ang pananampalataya.

Batay kasi aniya sa guidelines, maari nang magbukas ang mga restaurants, salon at iba sa ilalim ng GCQ ngunit hindi rito kasama ang mga simbahan.

Dagdag pa ni Pabillo, nag sumite na rin ang CBCP ng kanilang guideline sa oras na payagan nang magbukas ang mga simbahan

Kabilang dito ang, pagbubukas ng mga simbahan ngunit para lamang sa kalahati ng kapasidad nito ang maaring makapasok sa kada misa, mahigpit na pag iral ng social distancing, pagsusuot ng face masks, pagtanggal ng holy water sa mga entrada ng mga simbahan at hindi muna pag punas o pag hawak sa mga santo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -