PNP suportado ang panukalang limitahan lamang sa 15K ang populasyon sa kada barangay

0
9

Suportado ng Philippine National Police (PNP) ang panukalang limitahan lamang sa 15,000 ang bilang ng populasyon sa kada barangay.

Ayon kay PNP Spokesman Brig. Gen. Bernard Banac, kung lilimitahan lamang sa 15,000 ang populasyon sa kada barangay ay maayos na pamamalakad at pagpapatupad ng mga ordinansa.

Aniya, naayon din ang panukalang ito sa modern policing systems, geographical information, at demographics para sa paglalagay o deployment ng mga otoridad upang matugunan ang krimen sa mga lugar.

Isinusulong ni Surigao 2nd District Rep. Ace Barbers ang naturang panukala upang mas mapabilis ang pagtugon at paghatid ng serbisyo sa mga mamamayan.