27.7 C
Manila
Friday, February 23, 2024

General Santos: P2-M plantasyon ng marijuana nasamsam sa Sultan Kudarat

- Advertisement -

General Santos City – Mahigit ₱ 2 milyong plantasyon ng marijuana ang nasamsam ng otoridad sa bulubunduking bahagi ng Columbio, Sultan Kudarat madaling araw nitong Martes.

Visit RPN DXDX General Santos

Ayon kay Kath Abad, tagapagsalita ng Philippine Drug Enforcement Agency-12, nasamsam ng pinagsanib na pwersa ng PDEA at Sultan Kudarat Provincial Police Office (SKPPO) ang mahigit 1,000 na mga puno ng marijuana na nagkakahalaga ng ₱ 2.2 million sa ginawang pagronda sa isang marijuana plantation na napaloob sa taniman ng mais sa bulubundukin na bahagi ng sitio Asmakul-Basag, Brgy. Sinapulan, Columbio.

Nakatakas umano ang dalawang suspetsado na nag-mamay-ari ng marijuana plantation na sina Vincent Estrada at alyas Virgel bago pa man nakarating ang raiding team sa nasabing lugar.

Naglunsad na rin ng manhunt operation ang mga otoridad para tugisin ang mga suspetsado.

(Source: PDEA 12 | SKPPO)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -