Saturday, May 4, 2024

General Santos: City Dad: ‘Bayaran Sa LGU Ang Obligasyon Sa Mga Covid Hotels’

- Advertisement -

General Santos City – Personal na binigyan nang kasiguruhan ni City Mayor Ronnel Rivera mababayaran ng lungsod ang ₱ 22-million unpaid obligations nito sa mga accommodation establishments na ginamit bilang Covid-19 isolation at quarantine facilities.

Visit RPN DXDX General Santos

Sa ipinatawag na pagpupulong kasama ang mga miyembro ng GenSan Hoteliers, humingi rin nang paumanhin ang local chief executive sa pagkaka-antala ng bayad at sa nangyayaring sitwasyon.

“Una sa tanan mangayo ko og pasaylo sa inyong sitwasyon. Kamo hinuon ang naipit sa nahitabo. We know during the early days of the pandemic when the city badly needed quarantine facilities for our LSIs, ROFs, and frontliners the GHA was the first to answer that call and I would like to thank you for that service,” ani Mayor Rivera.

Nagpasalamat din si Rivera sa business community sa pagtugon sa panawagan ng gobyerno na magamit ang kanilang accommodation establishments para sa mga locally stranded individuals at returning residents.

Base sa actual billing, mula January hanggang June ay mayroong utang ang city government na ₱ 12,787,407 at mula July hangang September, umaabot sa ₱ 9,699,900 ang dapat pang bayaran ng lungsod.

Para sa taong 2020, mayroon pang balanse na mahigit ₱ 300,000 ang LGU.

(Photo courtesy of LGU GenSan)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img