General Santos City – Posibleng masimulan na rin umano sa December 10 ang pagbabakuna ng booster shots sa mga fully vaccinated na government at economic frontliners, kasama na ang mga indigent Filipinos o nasa A4 at A5 priority sectors.
Sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na nakatakda nitong ipresenta sa Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing plano, habang mayroong sapat na suplay ng bakuna ang bansa.
Ayon kay Galvez, sa kasalukuyan ay mayroong nakaimbak na 61 million doses ng Covid-19 vaccine ang Pilipins para masimulan nang maaga ang pagtuturok ng third dose sa mga nabakunahan na sa nakalipas na anim na buwan.
“Ang aming timing po is Dec. 10 na i-open na natin ang ating tinatawag na A4, A5 vaccinaion kasi nakita natin we have more than enough vaccines already,” ani Galvez.
Una na ring inihayag ng kalihim na maari na ring masimulan ng private sector ang pagtuturok ng booster shot kasabay sa kampaniya ng gobyerno, para mapabilis na maabot ng pamahalaan ang inoculation target.
(Source: GenSan LGU Facebook page)