Monday, May 6, 2024

Duterte hindi na palalawigin ang batas militar sa Mindanao —Palasyo

- Advertisement -

Hindi na palalawigin pa ang umiiral na batas militar sa Mindano.

Ito ang inanunsyo ng Tanggapan ng Pangulo sa pamamagitan ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo kung saan hanggang sa pagtatapos na lamang ng kasalukuyang taon (2019) o sa ika-31 ng Disyembre iiral ang batas militar sa naturang rehiyon.

The Office of the President wishes to announce that President Rodrigo Roa Duterte will not extend martial law in Mindanao upon its expiration on December 31, 2019,” ani Panelo.

Sa isang pulong-balitaan, sinabi ni Panelo na ito ay batay sa nagkakaisang pagpapasiya ng mga defense adviser ni Pangulong Duterte.

Dagdag panito, kumpiyansa aniya ang Palasyo sa puwersa ng seguridad na kaya na nitong panatilihin ang kapayapaan at seguridad sa rehiyon kahit pa hindi na palawigin ang batas militar.

Maguguntiang kapwa sinabi ng Philippine National Police (PNP) at ni Defense Secretary Delfin Lorenzana noong Nobyembre na maaaring mapananatili ang kapayapaan nang walang martial law.

Isinailalim sa batas militar ang buong rehiyon ng Mindanao makaraang umatake ang isang ISIS-inspired Maute group sa Marawi City noong buwan ng Mayo, taong 2017 —nakatakda sana itong magtagal lamang ng 60-araw ngunit hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso na palawigin pa ito ng tatlong beses.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img