Radio Philippines Network
Headlines National News

DOLE naglabas na ng holiday pay rules

Nagpalabas ng holiday pay rules ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa mga holiday sa buwang ito.

Ayon sa Labor advisory ng DOLE, ang December 8 na Feast of Immaculate Conception of Mary, December 24 at 31 ay pawang special non-working holidays.

Batay sa pay rules ng DOLE, kung ang empleyado ay hindi pumasok o papasok sa trabaho sa nasabing mga petsa, iiral ang ‘no work, no pay’ subalit kung pumasok o papasok sa trabaho, may dagdag siyang 30% sa kaniyang suweldo para sa unang walong oras na trabaho at dagdag pang 30% sa kaniyang hourly rate sa bawat oras ng kaniyang overtime.

Para sa naman sa December 25, Pasko at December 30 Rizal Day, na kapwa regular holiday –tatanggap ng kaniyang 100% na sahod ang isang empleyado kahit na hindi siya pumasok sa trabaho at kung papasok naman sa trabaho ay tatanggap ng 200% ng kanilang suweldo.

Dagdag namang 30% sa kanilang hourly rate ang tatanggapin ng empleyado sa bawat oras ng kanilang pag-overtime.

Related posts

WHO pinabulaanan na mawawala ang COVID-19 sa mainit na panahon

Powered by DWIZ

Mahigit 229k na mga OFW nakauwi na sa bansa — DOLE

Powered by DWIZ

SEA Games athletes hindi ‘exempted’ sa vape ban —PNP

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More