31.1 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Unang biyahe ng Cavite-Manila ferry service umarangkada na

- Advertisement -

Umarangkada na ang unang biyahe ng Cavite-Manila ferry service.

Ang Cavite-Manila ferry service ay mayroong mga rutang Cavite City pa -Lawton at pabalik; at Cultural Center of the Philippines (CCP) Port, pa-Cavite City at pabalik.

Ang unang biyahe mula CCP ay umalis ng alas-6:39 ng umaga at dumating sa Cavite City via Manila Bay makalipas ang 17 minuto kumpara sa dalawa hanggang tatlong oras na biyahe kapag sumakay ng bus.

Isang buwang libre ang pamasahe sa Cavite Manila Ferry mula ngayong araw na ito hanggang January 9, 2020.

Ang regular na pamasahe simula CCP hanggang Cavite City at pabalik ay P200 at P160 naman ang biyaheng Cavite City, pa-Lawton.

May discount naman para sa senior citizens at estudyante samantalang mas mababa rin ang pamasahe sa mga edad apat hanggang 11 at libre ang tatlong taong gulang.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -