DOJ Sec. Menardo Guevarra itinalagang OIC sa pamahalaan

0
56

Itinalaga ng Pangulong Rodrigo Duterte si Justice Secretary Menardo Guevarra bilang officer-in-charge (OIC) sa pamahalaan.

Sa ipinalabas na kalatas ni Executive Secretary Salvador Medialdea, magsisilbing OIC si Guevarra mula June 21 hanggang 23 habang dumadalo ang Pangulong Rodrigo Duterte sa 34th ASEAN Summit sa Thailand.

Nakasaad sa kalatas na ang lahat ng gagawing desisyon at aksyon ni Guevarra ay ituturing na desisyon at aksyon ng pangulo.