Wednesday, May 8, 2024

DOH isinisi sa community transmission, clustering ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa

- Advertisement -

Isinisi ng Department of Health (DOH) sa community transmission at clustering ng mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang mabilis na pagsipa ng bilang ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Health Undersec. Maria Rosario Vergeire, dapat pang maging mas maingat ang publiko lalo’t malinaw na mayroon pa ring hawaang nagaganap sa mga komunidad.

Sinabi ni Vergeire, ang mga bagong dagdag na kaso ng COVID-19 ay hindi dahil sa mas pinaigting na COVID-19 testing sa bansa, kundi patunay lamang ito na mayroon pa ring banta ng coronavirus disease.

Sa ngayon, sinabi ni Vergeire na patuloy din ang pakikipag ugnayan nila sa mga alkalde sa metro manila upang maka-balangkas ng bagong alituntunin upang mapigilan pa ang pagkalat ng COVID-19.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img