‘Sayawan na lang natin’: Ang payo ni Roque sa mga Pinoy sa gitna ng COVID-19 crisis

0
16

‘Sayawan na lang natin.’

Ito ang payo ni Presidential Spokesman Atty. Harry Roque sa mga Filipino hinggil sa kinahaharap na krisis pangkalusugan ng Pilipinas dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Roque, dapat na tanggapin ng mga Filipino na magiging bahagi na ng kanilang buhay ang COVID-19, at dapat pa rin nilang ipag-patuloy ang kanilang pang araw-araw na buhay.

Gayunman, iginiit naman ni Roque na kailangan itong gawin nang may ibayong pag-iingat.

Sinabi nito, kailangang buksan ang ekonomiya ng bansa nang hindi nalalagay sa alanganin ang buhay ng bawat mga Filipino.