Friday, May 17, 2024

DFA tiniyak na ginagawa ang lahat para makalaya ang 7 seamen sa Libya

- Advertisement -

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na kanilang ginagawa ang lahat para sa ligtas na kalayaan ng pitong Filipinong marino na nakulong sa Libya dahil sa umano’y iligal na pagpuslit ng langis.

Ayon sa DFA, mismong si Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr. na ang umapela kay Libyan Deputy Foreign Minister Lufti Al-Maghrabi para sa kalayaan ng mga nasabing Pinoy seafarers.

Naganap ito nang magkita ang dalawang opisyal Global Compact for Migration Meeting sa Morocco noong nakaraang buwan.

Sinabi pa ng DFA, tiniyak din ni Charge d’Affaires Mardomel Celo Melicor na may abogado ang pitong nakakulong na Pinoy na kakatawan sa mga ito sa korte.

Kabilang ang pitong nasabing mga Pinoy seafarers sa dalawampung (20) tripulante ng Liberian vessel na MV Levant na inaresto ng Libyan Coast Guard noong Agosto 2017 dahil sa hinihinalang fuel smuggling.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -