Thursday, May 2, 2024

3 Pinay arestado sa Thailand dahil sa iligal na pagso-solicit ng donasyon

- Advertisement -

Tatlong Filipina ang inaresto sa Thailand matapos na manghingi ng mga donasyon para umano sa isang foundation para sa mga mahihirap na kabataan sa Pilipinas nang walang permit.

Kinilala ang mga naaresto na sina Belinda Austria Toledo, Jessica Bayutas Ortega at Ruthie Espina Babila.

Nakumpiska naman sa mga ito ang sampung aklat na may nakalagay na pangalan ng mga nag-donate, isang gitara at donasyong nagkakahalaga ng 5,690 Thai baht o katumbas ng 9,377 pesos.

Ayon sa hepe ng Pattaya Thailand Police, inaresto ang tatlong Filipina habang nagso-solicit sa mga bar at kainan sa nabanggit na lugar.

Nakapasok aniya ang tatlong Filipina sa Thailand bilang mga turista at halos isang taon nang namamalagi sa nasabing bansa.

Ipinagharap naman ang tatlong Pinay sa mga kasong soliciting donations without permit at aliens working without permit.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img