Davao: Project in-charge ng isang kompanya binaril, patay sa Mati city

- Advertisement -

Davao Oriental – Binaril, patay sa loob ng kanyang sasakyan ang Project In-Charge ng Supreme Power Corporation alas-9 ng umaga kahapon, Nobyembre 26, 2021 sa Crossing Libudon, Brgy. Dawan, Mati City.

Visit RPN DXKT Davao

Kinilala ni Mati City Police Station Commander PLt. Col. Ernesto Gregore ang biktima na si John Philip Rinsulat, 40 taong gulang.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, minamaneho ng biktima ang kanyang Mitsubishi Montero na sasakyan patungong Brgy. Dawan nang biglang tinabihan ng dalawang hindi pa nakikilalang motor riding suspects at pagsapit sa naturang lugar ay saka pinagbabaril ang biktima at tinamaan sa iba’t ibang parte ng katawan.

Isinugod sa Davao Oriental Provincial Medical Center ang biktima subalit idineklarang dead on arrival ng attending physician.

Mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi matukoy na direksyon matapos ang insidente.

Patuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa posibleng pagkakilanlan at pagkakaaresto ng mga suspek.

(Source: Mati City Police Station)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -