Davao: Pasahero ng public utility van, nakuhanan ng ilegal na droga sa lasang checkpoint

- Advertisement -

Davao City – Dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng Culture of Security ng Task Force Davao, arestado ang isang lalaki na pasahero ng public utility van matapos makuhanan ng ilegal na droga kahapon, Enero 21, 2022 sa pinagsamang pwersa ng AFP-PNP Checkpoint sa Brgy. Lasang, Bunawan District, Davao City.

Visit RPN DXKT Davao

Kinilala ni Captain John Louie Dema-ala, Public Information Officer ng TF Davao ang suspek na si Dearyl John Liboon Aguilon, 40 anyos at residente ng La Filipina, Tagum City, Davao del Norte.

Ayon kay Captain Dema-ala, sakay ng isang public utility van mula Tagum City patungong Davao City si Aguilon nang maharang ng mga awtoridad sa Lasang Checkpoint.

Sa inspection area, nakuha mula sa nasabing indibidwal ang isang (1) pakete ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na 0.61 gramos at nagkakahalaga ng ₱9,760.00.

Sa kasalukuyan, nasa pangangalaga na ng Bunawan Police Station ang suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(Source: Task Force Davao)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -