32.7 C
Manila
Sunday, April 21, 2024

Davao: Lalaking nag-amok sa loob ng isang mall, na-neutralisa ng kapulisan; dalawa nasaksak, isa ang kritikal

- Advertisement -

Davao del Norte – Patay ang isang 26-anyos na lalaki na suspek sa pananaksak sa isang promodizer at security officer ng Gaisano Mall Tagum City matapos mag-amok alas-7:45 ng gabi, Pebrero 12, 2022.

Visit RPN DXKT Davao

Kinilala ni PLt. Col. Jay Dema-ala, Hepe ng Tagum Police Station ang personahe na si alyas “Harry”, residente ng Purok 8, Brgy. Poblacion, Mawab, Davao de Oro.

Ayon kay PLt. Col. Dema-ala, bigla na lamang nag-amok ang lalaki sa 3rd floor ng nasabing mall at kinuha ang isang kutsilyo mula sa mga display.

Bigla na lamang umano sinaksak ang isang promodizer na si Sherwin Bustamante, 23, at ang security officer na si Ronald Costan, 45.

Dagdag ni PLt. Col. Dema-ala, nasa stable condition na si Costan samantalang si Bustamante ay nasa kritikal na kondisyon matapos tinamaan sa ulo. Hindi aniya nakapansin si Bustamante dahil naglilinis ito ng sahig nang mangyari ang insidente.

Batay sa impormasyon na ibinigay ng ama ng lalaki sa kapulisan, nakaranas umano ng depresyon ang kaniyang anak dahil sa timbang nito. Kahit daw palagi itong nag-eehersisyo at pagbabawas ng pagkakain, hindi pa rin daw maabot ang gusto nitong timbang.

Nagpasya sila na pumunta sa Tagum City para malibang ang nag-iisang anak ngunit hindi nila inaasahan na ganito ang mangyayari.

Pagdating ng mga pulis sa pinangyarihan, hindi sumuko ang lalaki bagama’t nagpatuloy itong gumala sa 3rd floor ng mall bitbit ang kutsilyo kaya’t napilitan ang mga otoridad na barilin ito.

Dead on arrival sa Davao del Norte Regional Hospital ang nag-amok na suspek habang patuloy na ginagamot sa ospital sina Bustamante at Costan.

(Source: Tagum City Police Station)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -