Tuesday, June 18, 2024

Davao: Illegal drug dealer arestado sa Davao city

- Advertisement -

Davao City – Matagumpay na naaresto ng mga tauhan ng kapulisan sa ilalim ng pangangasiwa ni PMaj. Robel B. Saavedra, Acting Station Commander ng Mandug Police Station ang isang alyas “Janjan”, 33 taong gulang, isang habal-habal drayber at residente ng Magugpo East, Tagum City. Nadakip ang nasabing personahe sa pamamagitan ng isinagawang buy-bust operation kaninang alas-2:20 ng madaling araw, Disyembre 3, 2021 sa Brgy. Lasang, Davao City.

Visit RPN DXKT Davao

Nakumpiska kay alyas “Janjan” ang kabuuang tatlong (3) piraso ng plastic sachet kabilang na ang dalawang (2) plastic sachet ng hinihinalang shabu at isang (1) object of sale na may tinatayang timbang na humigit kumulang 0.142 grams na may street market value na humigit kumulang three thousand pesos (₱ 3 000.00), isang (1) yunit ng Vivo cellular phone at isang (1) yunit ng Honda XRM motorcycle.

Ang pagmamarka sa mga piraso ng ebidensya na isinagawa sa lugar ng pag-aresto ay nilahukan ng Elected Barangay Official, Media at Kinatawan ng DOJ na pumirma sa certificate of inventory of evidence sa presensya ng nadakip na suspek.

Inihanda na ang kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng RA 9165 laban sa naarestong suspek.

(Source: PS 13 Mandug Police Station)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -