Friday, May 3, 2024

Davao: Higit P2M halaga ng shabu kumpiskado sa 3 suspek sa Davao city

- Advertisement -

Davao City – Higit ₱2 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska sa tatlong (3) suspek sa drug buy-bust operation ng mga tauhan ng Ecoland PNP sa pangunguna ni PMaj. Carol Jabagat alas-12:20 ng madaling araw, Disyembre 29, 2021 sa Purok 2, San Nicolas, Brgy. 8-A, Bankerohan, Davao City.

Visit RPN DXKT Davao

Kinilala ng mga awtoridad ang mga suspek bilang sina Zenas Magallanes Teves, isang 33 anyos at self-employed; Leo Abad Daan, 38 anyos, may asawa at tricycle driver; at Luhel Alindajao Gaid, 41 anyos at may asawa.

Batay sa ulat, nasa ilalim ng pamamatiyag ng Ecoland PNP ang suspek na si Teves. Napagbilhan ng poseur buyer ng kapulisan si Teves ng pakete ng hinihinalang shabu. Sa imbestigasyon, nakuhanan pa ng humigit kumulang 106 gramos ng hinihinalang shabu sa bag ng nasabing suspek.

Sa karagdagan, nakuhanan din ng mga pakete ng hinihinalang shabu ang mga kasama ni Teves sa panahon ng operasyon na sina Daan at Gaid.

Nasa kabuuang pitong (7) piraso ng plastic sachet na may iba’t-ibang laki ang nakumpiska ng mga awtoridad mula sa tatlong suspek na naglalaman ng naturang ilegal na droga na tinatayang may timbang na 116 gramos na may street market value na humigit kumulang ₱ 2.3 milyon (₱ 2,300,000.00) at marked money na dalawang libong piso (₱ 2 000.00).

Nasa pangangalaga na ng Ecoland PNP ang mga naarestong suspek at inihanda na ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa kanila.

(Source: DCPO)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img