Sunday, June 16, 2024

Davao: Face-To-Face Classes Sa Davao Region Sinimulan Na Ngayong Araw

- Advertisement -

Davao City – 120 na paaralan (pribado at publiko) sa buong bansa ang napili na lumahok sa pilot run ngayong araw, Nobyembre 15, 2021. 8 na paaralan sa Davao Region ang napili, 5 rito ay mula sa Davao de Oro at 3 sa Davao del Sur. Ang sumusunod ay ang mga paaralan na nakabatay sa Davao de Oro:

  • Bares Elementary School (Pagsabangan Extension) sa New Bataan
  • Parasan Integrated School sa Pantukan
  • Lower Panansalan Elementary School (Jacinto Extension) sa Compostela
  • Maugat Elementary School sa Compostela
  • Digaynon Integrated School (Manurigao Extension) sa Compostela

Visit RPN DXKT Davao

Samantala, ang mga paaralan na nakabatay sa Davao del Sur ay ang sumusunod:

  • Clib Primary School sa Hagonoy
  • Nodilla Elementary School sa Kiblawan
  • Tacub Elementary School sa Kiblawan

Kadalasan sa mga napiling paaralan ay nasa mga far-flung areas na kinilala bilang low-risk areas sa COVID-19.

Ayon sa Department of Education o DepEd, sumailalim sa masusing pagsusuri ang mga nasabing paaralan para masukat ang kahandaan at kaligtasan ng lugar.

Nilinaw ng DepEd na magiging komplemento lamang ito sa distance learning modalities at hindi ito palatandaan na babalik na sa full face-to-face classes. Isa sa mga tinitingnan na paraan ang alternate method kung saan patuloy pa rin ang distance learning modalities kasabay ng face-to-face classes na isasagawa bawat susunod na linggo.

Sa ilalim ng pilot run, striktong ipinapatuman ang lahat na sumunod sa minimum health protocols habang nasa loob ng campus. Kinakailangan na magsuot ng face mask s lahat ng panahon, at ang mga bakunadong staff ng paaralan lamang ang pinayagan na sumali.

(Sources: DepEd Region XI | Provincial Government of Davao de Oro)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -