32 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Davao: Dalawang regional most wanted, arestado; ₱150k halaga ng shabu, nasamsam sa Mati city

- Advertisement -

Davao Oriental – Arestado ang isang most wanted na si alyas “Guian” at ang dalawa pa nitong kasama sa isinagawang buy-bust operation ng pinagsamang puwersa ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Mati City Police Station sa pangunguna ni PLt. Col. Ernesto M. Gregore, Chief of Police, sa Purok Nazareno, Brgy. Central, Mati City kahapon, Pebrero 16, 2022.

Visit RPN DXKT Davao

Kinilala ng mga otoridad ang target sa operasyon na si Gian Alixes Flores alyas “Guian”, 31 anyos, residente ng nasabing lugar at Rank 4 sa Regional Level. Gayundin sa dalawa nitong kasamahan na sina Norwin Ligues alyas “Tonton”, 36 anyos at residente ng Interco, Bgry. Matiao, Mati City na Rank 9 naman sa Regional Level at si Khristoffer Bustillio Alinzon, 41 anyos na residente ng nasabing lugar.

Nakuha mula sa mga suspek ang anim (6) na small at anim (6) din na medium size plastic sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na 10 gramos at may tinatayang halaga na ₱150,000.00 kasama na rito ang marked money na ginamit ng mga otoridad at mga parapernalya.

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng Mati City Police Station ang mga suspek para sampahan ng kasong paglabag sa Section 5 at Section 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(Source: PCADG Davao Region)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -