Friday, June 21, 2024

Davao: Call Center Agent Nadakip Sa Anti-Illegal Drug Operation

- Advertisement -

Davao City – Nadakip ang isang call center agent sa sinasagawang anti-illegal drugs operation ng mga miyembro ng Davao City Police Office Special Operations Group/ City Drug Enforcement Unit sa pangunguna ni Police Major Reuben Libera.

Kasama sa operasyon ang mga personahe ng Ecoland Police Station sa pangunguna naman ni Police Major Carol Jabagat dakong alas 7:00 ng gabi, Nobyembre 1, 2021 sa Barangay Matina Aplaya, dito sa lungsod ng Dabaw.

Visit RPN DXKT Davao

Kinilala ni Police Major Reuben Libera ang suspek na si Jerson Arellano, 26 anyos na residente ng SIR Sandawa, Barangay 76-A, Davao City.

Ayon kay Police Major Libera , na tumitimbang ng aabot sa 0.07 grams ang shabu na nabili sa isang poseur buyer na  may street value na  aabot sa P2,000.

Sinampahan na ng kasong violation ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.

(Source: DCPO SOG | CDEU)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -