Thursday, May 9, 2024

COVID-19 peak sa bansa maaga pa para matukoy —DOH

- Advertisement -

Masyado pang maaga para matukoy kung naitala na ang peak o ang pinaka-mataas na kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Ito ang iginiit ni Health Sec. Francisco Duque III sa harap ng patuloy na pag-taas ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Ayon kay Duque, dapat munang mag-hintay ng apat hanggang limang araw upang ma-obserbahan ng DOH ang paglobo ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, at upang matiyak kung na-abot na ang highest point ng kaso nito.

Aniya, kakailangan kasi ng kagawaran ang sapat na epidemiological data lalo na’t malaki ang kakulangan ng bansa sa pagsasagawa ng pagsusuri.

Gayunman, sinabi naman ni Duque na bagamat mayroong kakulangan ng suplay ng testing kits ay mas lumakas naman ang kakayahan ng Pilipinas na makapagsagawa ng mga pagsusuri.

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img