29.8 C
Manila
Sunday, April 14, 2024

Gatchalian: Hindi dapat i-uplift ang ECQ kung walang mass testing sa Luzon

- Advertisement -

Hindi dapat na agad bawiin ang umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon hangga’t hindi pa nakapagsasagawa ng mass testing.

Ito ang binigyang diin ni sen. Sherwin gatchalian sa harap ng ipinatupad na ECQ sa luzon na nakatakdang magtapos sa darating na Abril 14.

Ayon kay gatchalian, hindi dapat alisin ang ECQ hangga’t hindi pa tukoy ang tunay na bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Sinabi ng senador, ito aniya ang dahilan kaya’t pabor siyang palawigin pa ang ECQ dahil sa Abril 14 pa lamang isasagawa ang mass testing, at aabutin pa ng ilang linggo bago lumabas ang resulta ng pagsusuri.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -