DILG umapela sa mga LGU’s sa ‘mandatory use of PPE’s’ vs. COVID-19

0
19

Umapela ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga lokal na pamahalaan na mag-pasa ng ordinansa hinggil sa obligadong pagsususot ng face masks at iba pang uri ng personal protective equipment.

Ito ang iginiit ni DILG Sec. Eduardo Año kung saan hinikayat nito ang mga  Local Government Unit (LGU) ‘sna tiyaking naka-suot ng face masks ang mga residente sa kanilang nasasakupang lugar sa tuwing lalabas ang mga ito ng kani-kanilang mga tahanan.

Ayon kay Año, dapat kasing matiyak na hindi na kakalat ang virus kaya’t malaking tulong ang pagsusuot ng face masks upang mapigilan ang anumang pagkalat nito.

Sinabi pa ng kalihim, maari naman ang do-it-yourself (DIY) face masks gaya na lamang ng panyo at bimpo.

Una rito, maalalang ini-anunsiyo na ni IATF Spokesman at Cabinet Sec. Karlo Alexi Nograles ang pagpapatupad ng pagsusuot ng face masks para sa mga residente sa mga lugar na sakop ng ECQ.