Monday, May 6, 2024

COVID-19 cases sa bansa pumalo na sa 272,934 —DOH

- Advertisement -

Patuloy na lumolobo ang bilang ng mga dinadapuan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Sa inilabas na bulletin ng Department of Health (DOH), pumalo na sa 272,934 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa nakamamatay na virus matapos na maitala ang 3,550 na mga bagong kaso nitong nakalipas na magdamag.

Limangdaang  dalawapu’t apat (524) naman ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling sa virus, kaya’t 207,858 na ang total recoveries sa COVID-19.

Sa kaparehong bulletin, tumaas din sa 4,732 ang bilang ng mga nasawi sa virus makaraang madagdagan ang bilang nito ng 69.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img