Friday, May 17, 2024

Calabarzon Police Chief umapela sa publiko na huwag magkalat ng fake news

- Advertisement -

Nanawagan si Police Regional Office 4-A o Calabarzon PNP Director P/Bgen. Vicente Danao Jr. sa publiko na iwasan ang pagpapakalat ng mga maling impormasyon.

Ito’y makaraang umugong ang pangalan ni Danao sa pamamagitan ng isang post sa social media na siya na umano ang ipapalit kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director P/Mgen. Debold Sinas.

Ayon kay Danao, hindi nakatutulong sa panahong ito ng krisis ang paghahatid ng mga maling impormasyon na nagdudulot aniya ng kalituhan at hindi pagkakaunawaan sa hanay ng mga opisyal ng PNP.

Kasunod nito, tiniyak ni Danao sa kaniyang mga nasasakupan na tuloy lang ang sama-samang pagtatrabaho nila para pagsilbihan ang kanilang mga kababayan.

Magugunitang umingay ang nasabing balita matapos masangkot sa kontrobersiya si Sinas at mga tauhan nito dahil sa nangyaring pa-“mañanita” para sa kaarawan nito noong Mayo 8 dahil sa mga paglabag umano sa enhanced community quarantine (ECQ).

Una rito, itinanggi rin mismo ni PNP Chief P/Gen. Archie Gamboa na mayroong rigudon sa hanay ng pambansang pulisya lalo’t hindi pa naman sinisibak si Sinas bagama’t may gumugulong nang imbestigasyon laban dito.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -