Monday, May 6, 2024

Bilang ng mga nasawi sa nangyaring lindol sa North Cotabato, nadagdagan

- Advertisement -

Umakyat na sa anim ang bilang ng mga kumpirmadong nasawi sa pagtama ng magnitude 6.3 na lindol sa North Cotabato noong Miyerkules.

Batay sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mula sa bayan ng Alamada, North Cotabato ang pinakabagong naitalang nasawi.

Meron din isang nasawi mula sa bayan ng M’lang at tatlo sa Davao Del Sur habang nasa 93 naman ang bilang ng mga sugatan.

Samantala, umakyat na rin sa 1,699 ang bilang ng mga napinsalang imprastraktura sa Regions 11, 12 at BARMM.

Pinakamarami sa mga malubha at bahagyang napinsala ay mga kabahayan na sinundan naman ng mga paaralan, health facilities, simbahan at mga commercial establishments bagama’t wala pang ulat sa kabuuang halaga ng mga ito. — ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img