35.4 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Walong pulis patay sa bakbakan kontra sa drug lord na si ‘El Chapo’ sa Mexico

- Advertisement -

Pansamantalang ipinatitigil ng mga otoridad sa bansang Mexico ang paghahanap sa anak ng naka-detene na drug lord na si Joaquin “El Chapo” Guzman.

Ito ay matapos ang madugong barilan sa pagitan ng Mexican forces at tauhan ng naturang drug lord.

Ayon sa otoridad, walo sakanilang hanay ang nasawi sa unang bugso pa lamang ng bakbakan dahil military grade rifle ang gamit ng mga tauhan ni El Chapo, dahilan para mabigo ang mga pulisya na maaresto ang lider ngayon ng illegal drug cartel sa Sinaloa.

Binatikos naman ang liderato ni Mexican President Andres Manuel Lopez Obrador, dahil sa pahayag nitong idaan na lamang sa pag uusap ang problema sa iligal na droga sa naturang bansa.

Una nang inihayag ni Obrador na, ipinatigil nya ang malalaking anti-drug operations sa Mexico dahil ayaw umano nitong maging sementeryo ang buong bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -