Tuesday, May 7, 2024

Bagyong Kammuri lumakas pa

- Advertisement -

Lalo pang lumakas ang bagyong may international name na Kammuri habang mabagal na kumikilos sa loob ng Phililippine Area of Responsibility (PAR).

Batay sa pinakahuling weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,400 kilometro sa silangan ng katimugang Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hanging na umaabot sa 140 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong umaabot sa 170 kilometro kada oras.

Posibleng pumasok sa teritoryo ng bansa ang sama ng panahon na tatawaging bagyong Tisoy mamayang gabi o bukas ng umaga.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img