Agarang imbestigasyon sa aberya sa SEA Games — Duterte

0
14

Humingi ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga delegado at atletang kalahok sa SEA Games na nakaranas ng aberya sa bansa.

Ayon kay Pangulong Duterte, nais niya ng agarang imbestigasyon hinggil sa mga nangyaring kapalpakan at posibleng pagkukulang ng SEA Games organizing committee.

Dagdag pa ng Pangulo, nais niya na maganap ang sinasabing imbestigasyon hangga’t nasa bansa ang mga dayuhan atleta upang mabatid aniya ng mga ito na hindi hahayaan ng gobyerno ang mga nasabing kapabayaan.