29.8 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

30th SEA Games bubuksan na ngayong araw

- Advertisement -

Pormal nang bubuksan ang ika-30 Southeast Asian (SEA) Games ngayong araw kung saan mag-tatagisan ng galing sa larangan ng pampalakasan ang labing isang bansa.

Ayon sa Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) asahan na ang ma-garbo at modernong opening ceremony sa Philippine Arena sa Bulacan mamayang 7:00 ng gabi.

Ito na ang tinatayang pinakamalaking SEA Games sa kasaysayan dahil sa 530 sporting events na gaganapin sa iba’t-ibang sporting venues sa iba’t-ibang bahagi ng Luzon gaya na lamang ng Subic, Clark, Tarlac, Tagaytay, Batangas at Metro Manila.

Ilan sa mga pinaka-aabangang performer ay sina Apl De Ap at Lani Misalucha.

Nakatakda din naman ang pagdating ni Pangulong Rodrigo Duterte na magdedeklara ng opisyal na pagbubukas ng mga palaro.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -